Tuesday, January 5, 2010

Misis: Hudas ka! lagi kang umuuwing lasing. Naaasar na tuloy ako sa mukha mo.

Mister: Pero mahal, kung hindi ako lasing, ako naman ang maaasar sa mukha mo!




cellphone,cellphone,cellphone,cellphone,cellphone,cellphone,cellphone,cellphone




theme songs ng mag asawa:

1-10 years: Araw-Araw, Gabi-Gabi
11-20 years: Saan Ka Man Naroroon
21-30 years: Gaano Kadalas ang Minsan
31-50 years: Maala Ala Mo Kaya

51-60 years: Panginoon, Maawa ka

61-70 above: Kunin mo o Diyos

LIFE's cycle:

3 to 8 years old: paramihan ng toys
9 to 18: pataasan ng grades
19 to 25: padamihan ng syota
26 to 35: pagandahan ng asawa
36 to 45: palakihan ng income
46 to 55: padamihan, pagandahan at pabataan ng kabit
56 to 70: padamihan ng sakit
71 and above: pabonggahan ng libing! hahahaha!

essence of smell in life:

Lotion for babies
Cologne for the 20's
Efficacent oil for the 40's
Bawang and Luya for the 60's
Beyond 60's..... Formalin na.

different prayers of single women:
At 15: Lord give me superMAN
At 18: Lord give me a cute MAN
At 20: Lord give me the best MAN
At 30: Lord give me a good MAN
At 40: Lord give me a MAN

At 50: Lord give me sino MAN
At 60: Lord maawa ka naMAN
At 70: Lord kaya ko pa naMAN






cellphone,cellphone,cellphone,cellphone,cellphone,cellphone,cellphone,cellphone






Usapan ng tatlong lalaki...

Tulume: Ang tanga ng misis ko. Bumili ng answering machine, wala naman kaming telepono.

Juan: Mas tanga ang misis ko. Bumili ng scanner, wala naman kaming computer.

Kulas: Pinakatanga ang misis ko. Lagi siyang may condom sa bag, wala naman siyang ano...




cellphone,cellphone,cellphone,cellphone,cellphone,cellphone,cellphone,cellphone





Jun-Jun: Inay! Ako lang ang nakasagot sa tanong ng titser namin kanina!

Inay: Very good! Ano ba ang tanong ng titser ninyo?

Jun-Jun: "Sino ang walang assignment?"...





cellphone,cellphone,cellphone,cellphone,cellphone,cellphone,cellphone,cellphone





Merong isang lantsang lumubog sa karagatang napaliligiran ng mga pating.

Sa kabutihang palad merong apat na tao (Amerikano, Ruso, Instik at Pilipino) nakaligtas at nakasakay sila sa nag-iisang life raft. Nang basahin nila ang capacity ng life raft ay isa lang ang pwede makagamit nito.

Umiral ang pagka bayani ng kano, tumayo ito at sabi "Long Live America". Tsap-tsap-tsap kain ng mga pating.

Nag isip din ang Ruso tumayo na rin at sabi sa salita nila "Mabuhay ang mg Ruso, sabay talon". Tsap-tsap-tsap kain din ng mga pating.

Natira ang dalawa (Intsik at Pilipino nagpapakiramdaman). Makalipas ang ilang sandali kasi malapit na lumubog ang raft , tumayo na ang pinoy at sumigaw "mabuhay ang pilipinas" sabay sipa sa intsik (segurista kasi di magogoyo). Tsap-tsap-tsap kain din ng pating.

No comments:

Post a Comment